Halaga ng pinsala ng Typhoon Odette umabot na sa mahigit P3.6B
Umabot na sa mahigit P3.6 billion ang halaga ng pinsala sa pananim at imprastraktura ng Typhoon Odette sa bansa.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa mahigit P2.5 million ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Nakapagtala ng mahigit 136,369 na mga bahay ang nasira dahil sa bagyo.
Umabot naman sa mahigit P1.1 billion ang halaga ng pinsala sa mga panamin.
Ayon sa NDRRMC, mahigit 15,800 na ektarya ng mga pananim ang nasira ng bagyo.
Samantala, mayroon nang 3312 lungsod at munisipalidad sa CARAGA ang nagdeklara ng state of calamity. (DDC)