Mga sinehan sa Belgium muling isasara dahil sa Omicron variant ng COVID-19
Ititigil muli ang operasyon ng mga sinehan sa Belgium dahil sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Belgian Prime Minister Alexander De Croo, nakatulong noon sa paglaganap ng Delta variant ang mas mahigpit na restrictions na ipinatupad.
At dahil nakababahala aniya ang Omicron variant ng COVID-19, kailangang muling maghigpit upang maawat ang pagtaas pa ng kaso ng sakit.
30 percent ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Belgium ay Omicron variant.
Simula sa Linggo, Dec. 26 ay ipagbabawal na ang lahat ng uri ng indoor activitie.
Ang papayagan lamang ay ang museum visits, ehersisyo, kasal, at libing.
Ipatutupad din ang two-person limit para sa mga mamimili sa mall. (DDC)