Sablayan, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 15 kilometers northeast ng bayan ng Sablayan alas 12:08 ng tanghali ng Martes, Dec. 21.
May lalim na 15 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intesities:
Intensity IV – Sablayan and Rizal, Occidental Mindoro
Intensity III – Abra De Ilog, Santa Cruz and Calintaan, Occidental Mindoro; Calapan City and Bansud, Oriental Mindoro
Intensity II – Makati City; Batangas City; Baco, Oriental Mindoro
Intensity I – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tingloy, Batangas
Ayon sa Phivolcs maaring nagdulot ng pinsala at maari ding makaranas ng aftershocks dahil sa nasabing pagyanig. (DDC)