Presidential aspirant Ferdinand Marcos pinadalhan ng summon ng Comelec sa kinakaharap niyang tatlong disqualification case

Presidential aspirant Ferdinand Marcos pinadalhan ng summon ng Comelec sa kinakaharap niyang tatlong disqualification case

Pinadalhan na ng summon ng Commission on Elections (Comelec) si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, naipadala na ang summon sa e-mail ng mga election officer para sa tatlong kaso na inihain laban kay BBM.

Inatasan ang mga EO na i-print ang summon at personal na islbi kay BBM na siyang respondent sa mga kaso.

Inayasan din ang mga Provincial Election Officer at Regional Election Officer na tiyaking naisilbi ang summon.

Sa nasabing summon, inaatasan si Marcos na maghain ng verified Answer sa bawat petisyon sa loob ng limang araw simula sa pagkakatanggap nito.

Itinakda din ang Preliminary Conferences para sa nasabing mga kaso sa January 7, 2022 araw ng Biyernes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *