Pitong health facilities napinsala sa pananalasa ng Typhoon Odette

Pitong health facilities napinsala sa pananalasa ng Typhoon Odette

Pitong health facilities ang napinsala dahil sa pananalasa ng Typhoon Odette sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa CARAGA kabilang sa nasira ang dalawang ospital, tatlong Barangay Health Stations, isang Provincial DOH Office.

Sa kabuuan, ayon sa DOH aabot sa P550,000 ang halaga ng napinsalang mga pasilidad.

Samantala, sa Region VII ay napinsala din ang isang Center for Health Development.

Tinataya namang P7.8 million ang halaga ng pinsala.

Samantala, nagtaas na ang DOH ng Red Code Alert sa mga naapektuhang lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *