Ikatlong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa naitala ng DOH

Ikatlong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang ikatlong Omicron case sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ikatlong kaso ay 36 anyos na returning overseas Filipino na galing ng Qatar.

Mayroon itong travel histroy sa Egypt at dumating sa Clark noong November 28.

Hindi pa bakunado ang pasyente at asymptomatic ito sa ngayon.

Ayon kay Vergeire agad sumailalim sa quarantine sa isang isolation facility ang OFW.

Noong December 19, nag-negatibo na ito sa COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *