Pagkumpuni sa mga linyang nasira ng Typhoon Odette nakumpleto na ng Smart
Natapos na ng Smart Communications ang pagkumpuni sa lahat ng linya nitong nagkaproblema dahil sa Typhoon Odette.
Sa update ng Smart, as of December 20, 2021, 4:00 AM, nakumpleto na ang lahat ng kinakailangang repairs.
Pinayuhan ng Smart ang mga subscribers nito na i-reset ang kanilang devices para ma-refresh ang kanilang kuneksyon. (DDC)