DOH nakapagtala lang ng 203 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng 203 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo. Dec. 17 ay 2,837,577 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,777,109 ang gumaling o katumbas ng 97.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 395 na gumaling.
9,729 naman ang active cases o katumbas ng 0.3 percent.
Nasa 50,739 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.78 percent makaraang makapagtala ng 64 pang pumanaw. (DDC)