DOH tutol sa pagkakapasa sa Senado ng Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Regulation Act
Dismayado ang Department of Health (DOH) Sa pagkakapasa Senate Bill (SB) No. 2239 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Regulation Act na nagpapalawig pa ng access sa vaporized nicotine at non-nicotine products.
Ayon sa inilabas na pahayag ng DOH, may mga probisyon sa panukalang batas na taliwas sa public health goals at international standards.
Sa nasabing panukala, ibinababa sa 18 mula sa kasalukuyang 21 ang edad ng papayagang magkaroon ng access sa vapor products.
Pinapayagan din ang flavorings, at advertising at sponsorship strategies ng vapor products sa naturang panukala.
Nanindigan ang DOH na masama sa kalusugan ang vape products at mayroon pa rin itong toxic substances at hindi magandang epekto.
Ang vape liquids ay nagtataglay ng kemical gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls, at carbon monoxide na maaring addictive, toxic o maaring magdulot ng cause cancer.
Ayon sa DOH, dahil sa pagkakapasa sa senado ng SB No. 2239 malalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga kabataang Filipino. (DDC)’