Mahigit P15M na halaga ng ecstasy nakumpiska ng Customs

Mahigit P15M na halaga ng ecstasy nakumpiska ng Customs

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P15 million na halaga ng ecstasy tablets sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Katuwang ang Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) aabot sa 9,160 tablets ng Ecstasy ang nakumpiska sa operasyon.

Nakatago ang mga ilegal na droga sa tatlong parcels na idineklarang naglalaman ng mga damit at sapatos.

Base sa rekord, ang nasabing mga kargamento ay galing ng Netherlands at naka-consign sa isang indbidwal na ang address ay sa Dasmarinas City, Cavite.

Matapos ang ginawang full inventory, kabuuang 9,160 ecstasy tablets na may estimated market value na P15.572 Million ang nakita sa mga kargamento.

Nai-turnover na sa PDEA ang mga ilegal na droga para sa isasagawang case build up. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *