Bagyong Odette lumakas pa, isa nang typhoon ayon sa PAGASA; signal number 2 nakataas sa Surigao del Sur at bahagi ng Surigao del Norte

Bagyong Odette lumakas pa, isa nang typhoon ayon sa PAGASA; signal number 2 nakataas sa Surigao del Sur at bahagi ng Surigao del Norte

Lalo pang lumakas ang bagyong Odette at ngayon ay nasa typhoon category na.

Huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyon pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa sumusunod na mga lugar:

– eastern portion of Surigao del Norte (Claver, Siargao and Bucas Grande Islands)
– Surigao del Sur

Signal number 1 naman sa sumusunod na mga lugar:

– Sorsogon
– Masbate including Ticao Island
– southern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose)
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Leyte
– Biliran
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Siquijor
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique
– Guimaras
– Agusan del Sur
– Agusan del Norte
– rest of Surigao del Norte
– Dinagat Islands
– northern portion of Bukidnon (Malitbog, Impasug-Ong, Sumilao, Manolo Fortich, Libona, Baungon)
– Misamis Oriental
– Camiguin
– northern portion of Misamis Occidental (Plaridel, Baliangao, Sapang Dalaga)
– northern portion of Zamboanga del Norte (Dapitan City, Sibutad, Rizal, La Libertad, Dipolog City)

Ayon sa PAGASA, ngayong araw hanggang bukas ng umaga, makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Southern Leyte.

Bukas ng umaga hanggang sa BIyernes ng umaga, Heavy to intense hanggang torrential rains ang mararanasan sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, northern portion of Surigao del Sur, Agusan del Norte, the northern portion of Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, Southern Leyte, Bohol, Negros Oriental, and Cebu. Moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa Leyte, southern portion of Eastern Samar, Siquijor, at nalalabing bahagi ng Caraga. At light moderate at kung minsan ay malakas na ulan sa Bicol Region, Zamboanga del Norte, Oriental Mindoro, Romblon, at nalalabing bahagi ng Visayas at Northern Mindanao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *