Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 213 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 2:41 ng madaling araw ng Miyerkules, Dec. 15.
May lalim na 91 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito nagdulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)