Bagyong Odette lumakas pa; signal number 1 nakataas na sa 15 lugar sa bansa
Bahagya pang lumakas ang Severe tropical Storm Odette at halos umabot na sa Typhoon category.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 735 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras at pagbugsong 135 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Numer 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– northern and central portions of Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Tabuelan, Tuburan, Asturias, City of Carcar, Pinamungahan, San Fernando, Toledo City, City of Naga, Balamban, Minglanilla, Cebu City, City of Talisay, Consolacion, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Cordova)
– Bantayan and Camotes Islands
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Camiguin
– eastern portion of Misamis Oriental (Magsaysay, Gingoog City, Medina, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Salay, Jasaan, Balingasag, Lagonglong, Binuangan, Claveria, Villanueva, Tagoloan)
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang bagyo ay magdudulot ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.
Bukas ng tanghali o gabi ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bisinidad ng Caraga o Eastern Visayas. (DDC)