DOH nakapagtala lang ng 235 na bagong kaso ng COVID-19; Pinakamababa sa nakalipas na 19 na buwan
Nakapagtala lamang ng 235 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pinakamababa ito sa nakalipas na labingsiyam na buwan o mula noong May 2020.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Dec. 14 ay 2,836,868 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,775,991 ang gumaling o katumbas ng 97.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 780 na gumaling.
10,526 naman ang active cases o katumbas ng 0.4 percent.
Nasa 50,351 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.77 percent makaraang makapagtala ng 10 pang pumanaw. (DDC)