Telcos inatasan ng NTC na magbigay ng libreng tawag at free charging stations sa mga maaapektuhan ng Bagyong Odette
Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa public telecommunications entities na magbigay ng libreng tawag at charging stations sa mga lugar na daraanan ng papasok na bagyong Odette.
Ipinaalala ng NTC sa telco providers na mayroon dapat silang sapat na technical at support personnel, maging ng mga standby generator sa lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Inatasan din ng komisyon ang telcos na bilisan ang repair at restoration ng telecommunication services sa mga apektadong lugar.
Inaasahang papasok sa bansa ang bagyo mamayang gabi at tinayang magla-landfall sa Caraga-Eastern Visayas sa Huwebes. (DDC)