Reimbursement sa halos 700 kliyente na naapektuhan ng cybercrime incident inaasikaso na ng BDO

Reimbursement sa halos 700 kliyente na naapektuhan ng cybercrime incident inaasikaso na ng BDO

Inaasikaso na ng Banco De Oro ang reimbursement sa halos 700 kliyente nito na naapektuhan ng mga hindi otorisadong transaksyon kamakailan.

Ayon sa pahayag ng BDO, hiniling na nila sa mga naapektuhang kliyente na mamagtungo sa kanilang branch of account at magsumite ng kinakailangang dokumento para sa refund.

Tiniyak ng BDO na sasagutin ng bangko ang lahat ng nawalang pera dahil sa cybercrime incident.

Tiniyak din ng BDO na nakikipag-ugnayan ito sa mga otoridad at sa Bangsko Sentral ng Pilipinas para maiwasan nang maulit ang nangyari. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *