Senator Bong Go inihain na ang withdrawal ng kaniyang kandidatura sa Comelec
Pormal nang inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang withdrawal ng kaniyang kandidatura sa presidential race.
Personal na nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) si Go Martes, Dec. 14 ng umaga para ihain ang withdrawal ng kaniyang kandidatura.
Ani Go, mayroon siyang isang salita kaya tinupad niya ang pahayag na aatras siya sa pagtakbo.
Gaya ng naunang pahayag, sinabi ni Go na hindi pa panahon para tumakbo siyang pangulo ng bansa. (DDC)