DOH naglabas ng listahan ng mga laruan na nararapat na iregalo base sa edad ng mga bata
Naglabas ng suhestyon ang Department of Health (DOH) sa mga bibilhing regalo batay sa edad ng mga batang reregaluhan.
Ang suggested suitable toys ay ibinahagi ng DOH sa kanilang social media pages, ngayong papalapit na ang Pasko at marami ang namimili na ng pangregalo.
Narito ang mga panukalang regalo ng DOH, depende sa edad ng mga batang pagbibigyan:
Edad 0-1:
– rattles
– large brightly colored balls
– unbreakable mirrors
– washable stuffed dolls or animals
Edad 2-3:
– wooden animals
– dolls
– sturdy kiddy cars
– modellling clay
– ricking horses
Edad 4 – 5:
– puppets
– push toys
– building blocks
– balls
– kites
Paalala ng DOH, dapat tiyakin na ang ireregalong laruan ay magbibigay ng saya sa mga batang reregaluhan at hindi magbibigay ng disgrasya. (DDC)