Endangered sea turtle nailigtas sa Pampanga
Isang endangered sea turtle ang nailigtas ng mga concerned citizen sa Lubao, Pampanga.
Ang sea turtle ay nailigtas ng mangingisda na si Nimrod Castro ng Barangay San Jose habang siya ay nangingisda sa bahagi ng Pampanga River sa boundary ng Hermosa, Bataan at Lubao.
Nagpasya si Castro na dalhin ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) provincial office.
Ayon kay Laudemir Salac, pinuno ng DENR Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Pampanga, ang nailigtas na sea turtle ay may haba na 72 cm at may lapad na 67cm.
Dahil maayos naman ang kondisyon ng sea turtle, agad itong pinakawalan sa bahagi ng Bangkung Malapad sa bayan ng Sasmuan. (DDC)