Trough ng Tropical Storm Rai magpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa

Trough ng Tropical Storm Rai magpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa

Magdudulot na ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang buntot ng bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ang Tropical Storm na may international name na “Rai” ay huling namataan sa layong 1,380 kilometers East ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at magiging Severe Tropical Storm pagpasok nito sa bansa mamayang gabi.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ang trough o buntot ng bagyo ay maaring magdulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Amihan naman ang iiral sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, Aurora, Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at sa Central Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *