DOH nakapagtala lang ng 360 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng 360 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Dec. 13 ay 2,836,803 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,775,379 ang gumaling o katumbas ng 97.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 519 na gumaling.
11,083 naman ang active cases o katumbas ng 0.4 percent.
Nasa 50,341 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.77 percent makaraang makapagtala ng 61 pang pumanaw. (DDC)