Bagyo sa labas ng bansa patuloy na binabantayan ng PAGASA; malaking bahagi ng bansa apektado ng Amihan

Bagyo sa labas ng bansa patuloy na binabantayan ng PAGASA; malaking bahagi ng bansa apektado ng Amihan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyo na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,900 kilometers East ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Bukas araw ng Martes (Dec. 14) ay inaasahang papasok sa bansa ang bagyo bilang isang Tropical Storm.

Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz, Dinagat, at Surigao Provinces ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Shear Line.

Amihan naman ang iiral sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, Aurora, Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at CALABARZON. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *