Mahigit 2.9 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang karagdagang suplay ng mga bakuna kontra COVID-19 ng Moderna at ng AstraZeneca.
Biyernes (Dec. 10) ng umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang 2,948,000 doses ng Moderna COVID vaccine.
Ang nasabing mga bakuna ay binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
Dumating din ang 698,600 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na binili ng prbadong sektor at ng LGUs.
Ayon kay National Task Force adviser Ted Herbosa, magagamit ang mga bagong dating na bakuna sa isasagawang second round ng National Vaccination Day mula sa Dec. 15 hanggang Dec. 17.
Target ng pamahalaan na makapagturok ng 7 million dose bakuna sa nasabing mga petsa. (DDC)