Bayan ng Rodriguez sa Rizal itinanghal na Top Performing Municipality sa idinaos na National Vaccination Days
Kinilala ng Pamahalaan ang mga Local Government Units (LGUs) na nakapagtala ng mataas na vaccination rate sa idinaos na National Vaccination Day noong November 29 hanggang December 1.
Ang bayan ng Rodriguez o Montalban sa lalawigan ng Rizal ang nanguna sa mga munisipalidad sa bansa na mayroong pinakamataas na cumulative jabs sa tatlong araw na aktibidad.
Umabot sa 39,383 ang nabakunahan sa Montalban sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan.
Sumunod naman ang Tanza sa lalawigan ng Cavite na nakapagbakuna ng 25,277 jabs at ikatlo ang Arayat sa Pampanga na nakapagtala ng 20,955 jabs.
Sa mga lungsod naman, itinanghal na Best City ang Cebu City na nakapagtala ng 103,828 jabs.
Habang itinanghal na Best Province ang Laguna na nakapagtala ng 271,989 jabs.
Sa Dec. 15 hanggang Dec. 17 ay muling magdaraos ng National Vaccination Day ang pamahalaan. (DDC)