Mahigit 40.1 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 40.1 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Katumbas ito ng 52.11 percent ng target population sa bansa.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 90,201,533 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 54,313,819 ang nabakunahan na ng first dose at 36,589,256 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Habang mayroong 3,607,446 na tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Umabot naman na sa 691,012 na katao ang nabigyan na ng booster doses ng COVID-19 vaccine. (DDC)