Ilang pamilya sa Lucena City nabigyan ng livelihood assistance ng DOLE

Ilang pamilya sa Lucena City nabigyan ng livelihood assistance ng DOLE

Napagkalooban kamakailan ng livelihood assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa 16 na pamilya sa lungsod ng Lucena City.

Ang mga pamilya na mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ay pawang may mga anak na sumabak sa trabaho sa kabila ng kanilang murang edad o iyong tinatawag na child labor.

Isang programa ang isinagawa hinggil na pinangunahan ng lokal na pamahalaan na dinaluhan ni City Tourism Officer Arween Flores bilang kinatawan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala.

Personal na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo kasama ang mga kapitan ng kani-kanilang barangay ang mga pangkabuhayan package na kinapapalooban ng iba’t ibang produkto na magsisilbi nilang panimulang puhunan.

Bago naman ang naturang pamamahagi ay dumaan sa masusing identification at profiling ang mga benepisyaryo upang matiyak na ang mga tatanggap ng nasabing livelihood assistance ay tunay na may mga anak na naging child laborer.

Itinaon naman na sa pagdiriwang ng National Children’s Month isinagawa ang distribusyon bilang pagpapakita na rin ng pagmamalasakit sa pamilya ng mga batang higit na nangangilangan.

Lubos ang naging pasasalamat at kagalakan ng mga tumanggap na benepisyaryo sa handog na ipinagkaloob sa mga ito. (Jay-Ar Narit)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *