Mga nakumpiskang magagarang sasakyan ng Customs isasailalim sa auction
Isasailalim sa auction ng Bureau of Customs (BOC) ang mga magagarang sasakyan na kabilang sa mga nakumpiska ng ahensya.
Ang mga sasakyan na pawang smuggled isasailalim sa auction ng BOC sa halip na wasakin ang mga ito.
Sa abiso ng BOC, gaganapin ang public auction sa December 13 alas 10:00 ng umaga sa pasilidad ng Bureau of Treasury (BTr) sa Intramuros, Manila
Ayon sa BOC, ang lahat ng lalahok sa bidding ay kailangang mayroong negatibong resulta ng RT-PCR o Antigen test dalawang araw bago ang auction.
Isang kinatawan lamang kada kwalipikasong bidder ang papayagan.
Pinapayuhan din ang lahat ng Qualified bidders na sumunod sa physical distancing, magsuot ng face mask at face shield. (DDC)