173 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

173 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 173 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo, July 18, sumampa na sa 33,811 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,467 ang active cases at 31,934 naman ang gumaling.

410 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 173 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Eastern Samar (56)
Leyte (42)
Samar (31)
Tacloban City (21)
Biliran (7)
Ormoc City (6)
Southern Leyte (6)
Northern Samar (4)

Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar at Leyte.

Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *