LGUs na nagtala ng Most Improved Number of Vaccination noong Bayanihan, Bakunahan pinarangalan ng DILG
Binigyang parangal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na nakapagtala ng Most Improved Number of Vaccination sa isinagawamg tatlong araw na National Vaccination Day (NVC).
Sa pagpili ng Top 10 LGUs ikinumpara ng DILG ang datos ng mga nabakunahan noong Bayanihan Bakunahan mula Nov. 29 hanggang Dec. 1 kumpara sa tatlong araw na datos ng pagbabakuna ng LGus bago idinaos ang NVC.
Nanguna sa Top 10 LGUs na may Most improved Number of Vaccination ang Bacoor City.
Umabot sa mahigit 36,000 ang nabakunahan sa Bacoor City noong Bayanihan Bakunahan, kumpara sa 11,000 lamang na average 3 days jabs nito.
Ang sampung napiling LGUs ay dating mabagal sa pag-administer ng bakuna sa kanilang nasasakupan subalit noong magsagawa ng NVC kung saan iniutos ng pamahalaan ang pagkakaroon ng malawakang pagbabakuna at pagdaragdag ng vaccination sites ay biglang tumaas ang bilang ng kanilang vaccines administered. (DDC)