Walang na-detect na Omicron variant sa pinakahuling whole genome sequencing ayon sa DOH

Walang na-detect na Omicron variant sa pinakahuling whole genome sequencing ayon sa DOH

Wala pang naitatalang Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay ito sa resulta ng senome sequencing na isinagawa ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at the University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) sa 48 samples.

Ayon sa DOH, sa 48 samples na naisailalim sa sequencing, nakapagtala ng 38 Delta variant cases.

Sa 38 Delta variant cases, 31 ay pawang local cases at 7 ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Dalawa sa mga ROFs ay mayroong travel histories sa Turkey habang ang isa ang iba ay may travel history sa Jordan, Mexico, Netherlands, Panama, at Peru.

Ang 31 local cases naman ay pawang residente Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, at Davao Region.

Pawang naka-recover na ang lahat ng naitalang bagong kaso ng Delta variant maliban lamang sa isa na nagpapagaling pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *