Ilang bahagi ng Anti-Terrorism Act idineklarang labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema
Ilang bahagi ng Anti-Terrorism Act idineklarang labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema
Dalawang bahagi lamang ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act ang ipinawalang bisa ng Korte Suprema.
Sa inilabas na abiso ng Supreme Court, sa botong 12-3 ay idineklarang unconstitutional ng mga mahistrado ang Section 4 ng batas na nagsasaad na “…which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.”
Ayon sa SC, lumabis at maituturing na paglabag sa freedom of expression ang nasabing bahagi ng batas.
Samantala sa botong 9-6 naman, idineklara ding labag sa Saligang Batas ang Section 25 na nagbibigay kapangyarihan sa Anti-Terror Council na i-designate an isang tao o grupo bilang terorista base sa kahilingan ng ibang bansa.
Maliban sa dalawang bahagi, ang iba pang probisyon sa Anti-Terrorism Act na kinukwestyon ng mga petitioner ay idineklara nang constitutional ng SC.
Magugunitang umabot sa mahigit 30 petisyon ang inihain sa SC laban sa naturang batas. (DDC)