Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko nagsagawa ng courtesy visit sa Coast Guard headquarters
Nag-courtesy visit si Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Area sa Maynila.
Personal na sinalubong ni Commandant, CG Admiral Leopoldo V. Laroya ang Japanese official.
Sa kanilang pulong, sinabi ng Japanese Ambassador na inaabangan nito ang operasyon ng dalawang 97-meter multi-role response vessels (MRRVs) na inaasahang makapagpapabuti pa sa law enforcement capability ng PCG.
Ang nasabing mga barko ay darating sa Pilipinas sa March at May 2022 galing ng Japan.
Nagsagawa din ng tour ang Japanese Ambassador sa BRP Malabrigo (MRRV-4402).
Ipinaabot naman ni Laroya ang pasasalamat sa Japanese government sa suporta nito sa modernisasyon ng PCG. (DDC)