Bilang ng mga Pinoy na may trabaho madaragdagan pa sa mga susunod na buwan – DOLE

Bilang ng mga Pinoy na may trabaho madaragdagan pa sa mga susunod na buwan – DOLE

Kumpiyansa ang Department of Labor and employment ((DOLE) na madaragdagan pa sa mga susunod na buwan ang bilang ng mga may trabahong Pinoy.

Pahayag ito ng DOLE kasunod ng resulta ng Labor Force Survey ng kung saan lumitaw na mayroong 3.5 million na mga Pinoy na walang trabaho noong Oktubre.

Ayon sa DOLE nagkaroon naman ng 235,000 na pagtaas sa bilang ng mga may trabaho noong Oktbre kumpara noong Setyembre.

Binanggit naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III na nakatutok ang pamahalaan sa National Employment Recovery Strategy (NERS) nito.

Target ng Employment Recovery Agenda ng NERS Task Force na muling buhahin ang ekonomiya ng bansa at maibalik ang mga negosyo.

Katunayan ayon kay Bello, umabot na sa 2.08 million individuals at 129,000 na establisyimento ang nakinabang sa tulong ng Task Force.

Nakalikha na din ng 780,119 na trabaho simula nang itatag ang NERS.

Ayon kay Bello, magpapatuloy ang NERS Task Force sa pagsuporta sa mga inisyatiba ung mapabuti pang lalo ang labor market sa gitna ng nararanasan pa ring pandemya ng COVID-19 sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *