EO na nagbabago sa pangalan ni “Lapu-Lapu” bilang “Lapulapu” nilagdaan ni Pangulong Duterte
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagbabago sa pangalan ni “Lapu-Lapu” bilang “Lapulapu”.
Batay sa EO No. 152, “Lapulapu” na ang gagamiting spelling o pagtawag sa Filipino hero na matapang at matagumpay na lumaban sa Battle of Mactan.
Inatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga government-owned or controlled corporations, state universities and colleges, LGUs, NGOs, civic society groups at pribadong sektor na i-adopt o gamitin na ang “Lapulapu” sa pagtukoy sa naturang Filipino hero.
Magiging epektibo ang EO ng pangulo sa sandaling maisapubliko na sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation. (DDC)