4.2 percent inflation rate noong buwan ng Nobyembre naitala ng PSA

4.2 percent inflation rate noong buwan ng Nobyembre naitala ng PSA

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo para sa nagdaang buwan ng Nobyembre.

Sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 4.2 percent na inflation rate noong nakaraang buwan.

Mas mababa kumpara sa 4.6 percent na inflation rate na naitala noong buwan ng Oktubre.

Ayon sa PSA, ang pagbagal ng antas ng inflation noong Nobyembre ay dahil sa mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and non-Alcoholic Beverages.

Bumagal ayon sa PSA ang pagtaas ng presyo ng gulay, isda at karne. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *