Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,055 kilometers east ng Mindanao.

Apektado rin ng Shear Line ang eastern section ng Mindanao habang Amihan naman ang iiral sa buong Luzon at Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Martes, Dec. 7 ang LPA at Shear Line ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.

Maulap na papawirin din na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at sa northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at nalalabing bahagi ng Visayas dahil sa Amihan.

Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *