EUA ng anti-viral pill na molnupiravir pinag-aaralan pa ng FDA
Pinag-aaralan pa ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon para sa emergency use authorization ng “molnupiravir” na experimental anti-viral pill.
Sa media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, masusing sumasailalim sa pag-aaral ang mga isinumiteng dokumento.
Ang “molnupiravir” ay ginagamit ngayon sa 89 na mga ospital sa bansa sa ilalim ng compassionate special permit.
Ang paggamit ng “molnupiravir” ay nakitang makapagpapabawas ng tsansa na ang pasyente na may COVID-19 ay mauwi sa severe case. (DDC)