Limang sakay ng lumubog na bangka sa Surigao del Norte nailigtas ng Coast Guard

Limang sakay ng lumubog na bangka sa Surigao del Norte nailigtas ng Coast Guard

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na pasahero at boat operator ng isang motorbanca na lumubog sa bahagi ng Kabo Island sa Surigao City.

Ayon sa Coast Guard, sa kabila ng ipinatutupad na suspensyon sa pagbiyahe ng maliliit na sasakyang pandagat dahil sa gale warning, pumalaot pa rin ang MBCA Jimboy.

Galing ito sa Brgy. buenavista sa Surigao City at patungo dapat sa Brgy. Balibayon sa nasabi ring lungsod.

Habang nasa biyahe, hinampas ng malakas na alon ang bangka at nasira ang gitnang bahagi nito dahilan para lumubog na ang kalahating parte ng bangka.

Ligtas naman ang lahat ng sakay ng bangka na dinala sa PCG Station Surigao del Norte.

Paalala ng Coast Guard iwasan ang paglalayag kapag hindi maganda ang panahon at kapag may nakataas na gale warning. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *