Face-to-face classes sa 28 paaralan sa NCR inumpisahan na

Face-to-face classes sa 28 paaralan sa NCR inumpisahan na

Nagsimula na ngayong araw ng Lunes, Dec. 6 ang face-to-face classes sa dalawampu’t walong paaralan sa Metro Manila.

Sa Payatas B Annex Elementary School mahigit 100 estudyante ang lumahok sa face-to-face classes kabilang ang nasa Kindergarten at Grade 12 level.

Limitado lamang ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat silid-aralan.

Maiksi lamang din ang oras ng klase.

Sa Aurora Quezon Elementary School sa Malate, Maynila mayroong 60 estudyante mula Kinder hanggang Grade 3 ang pumasok na sa paaralan.

Nagsimula na din ang pilot study ng face-to-face classes sa Filemon T. Lizan Senior High School sa Navotas.

Tatlumpung fully vaccinated na mga estudyante ng Grade 11 at Grade 12 ang pinayagan na pumasok sa klase.

Ang nasabing mga paaralan na nakapagsimula ng klase ngayong araw ay kabilang sa pinayagan ng Department of Education (DepEd) na makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *