Malamig na temperatura patuloy na mararanasan sa malaking bahagi ng bansa
Malamig na temperatura pa rin ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pag-iral ng Amihan sa buong Luzon at Visayas.
Batay sa datos mula sa PAGASA, ngayong umaga ng Lunes (Dec. 6) nakapagtala ng mababang temperatura sa maraming lugar sa bansa.
Narito ang Top 10 Lowest Temperature na naitala ng PAGASA as of 8:00AM ngayong Lunes:
• Baguio City – 12.4 degrees Celsius
• San Jose Occidental, Mindoro – 18.0 degrees Celsius
• Malaybalay, Bukidnon – 18.4 degrees Celsius
• Casiguran, Aurora – 18.6 degrees Celsius
• Basco, Batanes – 18.8 degrees Celsius
• Tanay, Rizal – 18.8 degrees Celsius
• Abucay, Bataan – 19.6 degrees Celsius
• Clark, Pampanga – 19.9 degrees Celsius
• Subic, Zambales – 20.0 degrees Celsius
• Tuguegarao City, Cagayan – 20.0 degrees Celsius
Sa Metro Manila naitala ang malamig na 20.4 degrees Celsius kahapon ng umaga sa PAGASA Science Garden sa Quezon City. (DDC)