15,000 trabaho bubuksan sa ‘hybrid’ job fairs para sa anibersaryo ng DOLE

15,000 trabaho bubuksan sa ‘hybrid’ job fairs para sa anibersaryo ng DOLE

Mayroong available na 15,000 trabaho sa idaraos na job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ika-88 founding anniversary nito.

Nanawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga displaced workers at jobseekers na samantalahin ang 15,569 local at verseas jobs sa gagawing ‘hybrid’ job fairs na lalahukan ng 224 na employers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Karamihan sa mga alok na trabaho ay sa business process outsourcing, manufacturing, sales and distribution, accounting, at services sector.

Ani Bello, mayroong 12,598 local jobs ang bukas para sa mga customer service representatives, production workers, sewers, sales associates, salesmen, office staff, helpers, at kitchen crew.

Habang mayroong 2,971 overseas jobs naman ang iaalok patungong Kingdom of Saudi Arabia, United Kingdom, Germany, Japan, Kuwait, at Qatar.

Magsasagawa ng limited face-to-face and online job fairs sa National Capital Region, Bicol Region, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Sa Metro Manila, mayroong face-to-face job fair sa DOLE Labor Governance Learning Center, San Jose Street, Intramuros, Manila sa December 6.
Ang mga naisnamang lumahok sa online job fair ay kailangang mag pre-register sa JobQuestPH portal.

Sa Region 5, mayroon ding face-to-face job fair sa 4F Ayala Mall Legazpi, Legazpi City, Albay sa December 8, habang ang mga online jobseekers ay maaring bisitahin ang online platform partner ng DOLE Bicol Region na https://www.workbank.com/.

Sa Region 7, maaring magtungo sa SM City Cebu, Mabolo, Cebu City sa December 6 hanggang 8 ang mga naghahanap ng trabaho.

Sa Region 9 naman, isasagawa ang job fair sa KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City sa December 8.

Mayroon ding limited face-to-face job fairs sa sumusunod na mga lugar:

– Cordillera Administrative Region: Skyzone Area, Porta Vaga Mall, Baguio City (December 8)

– Ilocos Region: Pangasinan Provincial PESO, Capitol Complex, Alviar St. East, Lingayen, Pangasinan (December 8)

– Cagayan Valley Region: Malvar, Santiago City (December 8)

– Central Luzon Region: Bulacan Polytechnic College, Malolos City, Bulacan (December 8)

– MIMAROPA: Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Compound, Calapan City, Oriental Mindoro (December 13)

– Western Visayas: SM Iloilo, Iloilo City (December 8)

– Eastern Visayas: Robinsons Mall, Marasbaras, Tacloban City (December 8)

– Davao Region: New City Hall, Tagum City and Baranggay Gredu Covered Court, Panabo City (December 7)

– SOCCSKSARGEN: KCC Mall of Gensan Convention and Events Center (December 8)

– CARAGA: SM Butuan, Butuan City (December 8)

Habang magsasagawa naman ng virtual job fairs sa sumusunod pang rehiyon:

-CALABARZON: https://www.workbank.com/ (December 8)

– Northern Mindanao: https://www.mynimo.com/ (December 9-13) (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *