Testing at Quarantine protocols sa mga uuwi galing sa mga bansa at teritoryo na wala sa Red List, binago ng IATF

Testing at Quarantine protocols sa mga uuwi galing sa mga bansa at teritoryo na wala sa Red List, binago ng IATF

Binago ng Inter-Agency Task Force (IATF) at testing at quarantine protocols sa mga uuwing international passengers galing sa mga bansa at teritoryo na hindi nakasailalim sa Red List.

Para sa mga fully vaccinated individuals, dapat ay mayroong negatibong RT-PCR test result, 72-oras bago ang departure sa pinanggalingang bansa.

Pagdating sa Pilipinas, sasailalim ang pasahero sa facility-based quarantine at kukuhanan ng RT-PCR test sa ikalimang araw.

Kung negatibo ang resulta, maari nang umuwi at itutuloy ang home quarantine hanggang sa ika-14 na araw.

Para naman sa mga unvaccinated o partially vaccinated, required silang magsumite ng negatibong RT-PCR test na ginawa 72 hours bago ang departure mula sa country of origin.

Pagdating ng Pilipinas sila ay sasailalim sa facility-based quarantine at kukuhanan ng RT-PCR test done sa ikapitong araw.

Kung negatibo ang resulta, maari na silang umuwi at tatapusin ang 14 days sa bahay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *