Malaking bahagi ng bansa uulanin dahil sa trough ng Typhoon Nyatoh
Makararanas ng pag-ulan sa maraming lugar sa bansa dahil sa trough ng Typhoon Nyatoh na nasa labas ng bansa.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,645 kilometers East ng Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers bawat oras at pagbugso na aabot sa 215 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang trough ng bagyo ay magdudulot ng Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Negros provinces, at southern portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan Island.
Makararanas din ngmaulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora dahil sa Amihan.
Habang bahagyang maulap na ppawirin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil din sa Amihan. (DDC)