Google hindi tatanggap ng political advertisements sa kasagsagan ng campaign period sa PH elections

Google hindi tatanggap ng political advertisements sa kasagsagan ng campaign period sa PH elections

Hindi tatanggap ng election advertisements ang Google sa campaign period kaugnay sa May 2022 elections sa Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ng Google, aplikable ang polisiya na magbabawal sa lahat ng uri ng election advertisements sa campaign ads na bibilhin sa pamamagitan Google Ads, Display and Video 360, at kanilang Shopping platforms at ilalagay sa Google, YouTube at iba pang partner properties.

Kasama sa pagbabawalan ang mga advertisements na layong i-promote o tutulan ang anumang politikal party o kandidato.

Tiniyak naman ng Google na magpapatuloy ang pakikipagtulungan nila sa Commission on Elections para sa pagtitiyak ng maayos na voting process.

Kabilang dito ang programang #MagpaRehistroKa, MullenLowe TREYNA at Dashboard Philippines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *