Bagong CBCP President Bishop Pablo Virgilio David pormal nang nanungkulan sa pwesto

Bagong CBCP President Bishop Pablo Virgilio David pormal nang nanungkulan sa pwesto

Opisyal nang nanungkulan si Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Pinalitan ni David si Archbishop Romulo Valles ng Davao na natapos na ang termino bilang pinuno ng CBCP.

Bagong maging CBCP president si David ay nanilbihan bilang CBCP vice president.

Pormal na ring nanungkulan simula ngayong araw, Dec. 1 ang bagong CBCP vice president na si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Pasig at maging ang mga bagong miyembro ng permanent council members.

Kabilang sa mga bagong miyembro ng council para sa Luzon ay sina Archbishop Ricardo Baccay ng Tuguegarao, Bishop Dennis Villarojo ng Malolos, Bishop Ruperto Santos ng Balanga at Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa.

Para sa Visayas ang regional representatives ay sina Bishop Jose Bantolo ng Masbate, Bishop Patrick Daniel Parcon ng Talibon at Bishop Louie Galbines ng Kabankalan.

Habang ang mga kinatawan mula sa Mindanao ay sina Archbishop Jose Cabantan ng Cagayan de Oro at Bishop Abel Apigo ng Mati.

Dalawang taon ang termino ng mga bagong CBCP officials o posibleng maging hanggang apat na taon kung sila ay magkakaroon ng second term. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *