Bagong spare parts para sa mga tren ng MRT-3 dumating na sa bansa

Bagong spare parts para sa mga tren ng MRT-3 dumating na sa bansa

Dumating na sa MRT-3 depot ang mga bagong spare parts na gagamitin sa pagsasaayos ng mga tren.

Binubuo ito ng walong bogie frames na mahalagang piyesa at nakatutulong sa hindi maalog na pag-andar ng mga bagon lalo sa mga palikong bahagi ng riles.

Ang railway bogie frame o chassis (framework) ay matatagpuan sa ilalim na bahagi ng mga bagon kung saan nakakabit ang mga gulong at motor nito.
Nagbibigay ito ng cushion laban sa anumang shocks habang tumatakbo ang tren.

Ikakabit ang mga bogie frames sa mga tren na nangangailangan ng nasabing piyesa, kabilang iyong mga sumasailalim sa general overhauling.

Sa kasalukuyan, nasa 34 sa kabuuang 72 bagon na ng MRT-3 ang matagumpay na na-overhaul at nai-deploy sa main line, sa ilalim ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *