Binabantayang LPA ng PAGASA sa bahagi ng Visayas isa nang ganap na bagyo
Naging isang ganap nang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa bahagi ng Visayas.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,590 kilometers East ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA, kung hindi mababago ang direksyon ng bagyo, ay papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas Dec. 1).
Tatawagin itong “Odette” sa sandaling makapasok sa bansa.
Posible ding lumakas pa ito at maging isang Tropical Storm.
Sa weather forecast naman ng PAGASA ngayong araw (Nov. 30) ang Batanes at Cagayan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Shear Line.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay localized thunderstorms lamang ang iiral. (DDC)