Mahigit 35.6 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 35.6 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 81,296,947 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 45,430,089 ang nabakunahan na ng first dose at 35,678,774 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Umabot naman na sa 188,084 ang naibigay na booster doses.
Noong araw ng Linggo, November 28, umabot sa 278,853 ang average daily jabs sa bansa.
Sa National Capital Region, 19,999,837 na ang total doses administered.
Sa nasabing bilang, 10,489,159 ang tumanggap ng first dose at 9,400,115 ang fully-vaccinated na. (DDC)