14 na sako ng basura nakulekta sa isinagawang underwater clean-up ng Coast Guard sa Cavite

14 na sako ng basura nakulekta sa isinagawang underwater clean-up ng Coast Guard sa Cavite

Umabot sa labingapat na sakop ng non-biodegradable waste materials ang nakulekta sa isinagawang underwater clean-up activity ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite sa Caylabne Bay, Sapang 1, Ternate, Cavite.

Katuwang ang Special Operations Group Cavite at PCG Auxiliary (PCGA), isinagawa ang aktibidad bilang pagsusulong sa pagbibigay proteksyon sa marine habitats at restoration ng sustainable fisheries upang maibsan ang epekto ng human waste sa ecosystem.

Bahagi din ito ng environmental campaign upang maprotektahan ang fish sanctuary at protected coral reef sa vicinity waters.

Layunin din ng underwater clean-up na maging hub ng marine biodiversity ang Cavite.

Hinihikayat ang mga residente sa ugar na maging aktibo sa paglahok sa paglilinis ng baybayin dahil bilang mga mamamayan sa lugar, sila ang maituturing na primary Coast Guardians. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *