Travel restrictions ng pinalawig pa ng pamahalaan sa pitong bansa na nasa red list
Nagpairal na rin ang pamahalaan ng travel restrictions sa mga biyahero na galing sa
Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy.
Ang nasabing mga bansa ay nasa red list at may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, epektibo ang travel restrictions araw ng Linggo, Nobyembre 28 at tatagal ng hanggang sa Disyembre 15.
Una rito ay nagpatupad ag pamahalaan ng travel restrictions sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.
Tanging ang mga pabalik na Filipino sa pamamagitan ng government-initiated o non-government-initiated repatriation and Bayanihan Flights ang papayagang makauwi ng bansa pero kinakailangan na sumailalim sa testing at quarantine protocols
Samantala, papayagan naman na makapasok sa bansa ang mga pasahero na in transit mula sa red country basta kinakailangan na makarating sa Pilipinas ng 12:01 ng hatinggabi sa Nobyembre 30. (Faith Dela Cruz)